dzme1530.ph

17-24 PESOS NA OIL PRICE INCREASE, UUTAY-UTAYING IPATUTUPAD NGAYONG LINGGO

Loading

Tataas ng 17 hanggang 24 pesos ang kada litro ng oil products ngayong linggo, subalit uutay-utayin ito ng pitong araw, sa halip na isang bagsakan lamang.
 
Ginawa ni Energy Secretary Sharon Garin ang anunsyo sa briefing, kanina, kasama ang government agencies, sa hearing ng House Committee on Ways and Means, kung saan tinalakay ang panawagang suspindihin ang pagpapatupad ng excise tax sa langis.
 
Ipinaliwanag ni Garin na hindi makontrol ng Department of Energy (DOE) ang presyo ng langis dahil deregulated ang oil industry.
 
Ayon sa kalihim, plano ng mga kumpanya ng langis na ipatupad ang oil price hike simula bukas hanggang sa Lunes sa susunod na linggo.
 
Aniya, ilang oil companies ang magpapatupad ng increase na 2.50 pesos per liter kada araw habang ang iba ay 10 pesos per liter simula bukas, March 10.

About The Author