dzme1530.ph

168 na empleyado ng online lending app, arestado sa raid sa Pasig

Loading

Isandaan animnapu’t walong (168) empleyado ng online lending company na umano’y nangha-harass ng borrowers ang inaresto ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa isang inter-agency operation sa Pasig City.

Sinabi ng PAOCC na isinagawa ang operasyon sa main operating hub ng Creditable Lending Corporation, ang kumpanyang nasa likod ng online lending application na Easy Peso.

Kinumpiska ng mga awtoridad ang daan-daang computers at iba’t ibang company-issued mobile phones na umano’y ginagamit sa pananakot kapag naniningil, kasama ang pre-registered SIM cards, text blasters, at harassment scripts.

Ang pagsalakay ay kasunod ng ilang buwang surveillance at imbestigasyon, na pinagtibay ng testimonya ng isang dating empleyado na lumapit sa mga awtoridad para ibunyag kung paano nilinlang at hina-harass ng kumpanya ang mga umutang kapag panahon ng singilan.

About The Author