![]()
Nakauwi na sa bansa ang 166 pang mga Pilipino mula sa Kuwait.
Binubuo ito ng 154 na OFWs at labing dalawang dependents.
Sinalubong sila na NAIA Terminal 3 ng mga kinatawan mula sa Department of Migrant Workers (DMW) at iba pang mga ahensya ng gobyerno upang matiyak ang agarang pagkakaloob ng tulong.
Kabilang na rito ang pagkain at inumin, transportasyon, hotel accommodation para sa mga uuwi sa probinsya, at financial assistance.
Samantala, mayroon ding limang Pinoy na dumating sa bansa mula sa Lebanon.
Patuloy ang repatriation program ng gobyerno sa mga Pinoy na nais umuwi ng bansa dahil sa kaguluhan sa Middle East.
