dzme1530.ph

165 PDL pinalaya ng BuCor mula sa iba’t ibang prison and penal farm sa bansa ngayong araw

May kabuuang 165 person deprived of liberty (PDL) ang pinalaya na ng Bureau of Correction ngayong araw mula sa ibat ibang prison and penal farm sa bansa.

Pinangunahan ang culminating activities nina BuCor Director General Gregorio PIO Catapang Jr. at PAO Chief Persida Rueda Acosta.

Ayon kay General Catapang Jr. sa nasabing bilang, 106 mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

6 mula sa Correctional Institute for Women’s (CIW), 15 mula sa Sablayan Prison and Penal farm, isa sa Leyte Regional Prison, 7 mula Iwahig Prison and Penal farm at 30 naman mula sa Davao Prison and Penal Farm.

Base sa datos na inilabas ng BuCor umabot sa kabuuang 783 na mga PDL ang napalaya ng nitong Marso kung saan bahagi pa rin anIya ito ng programa ng ahensya para ma-decongest ang mga piitan.

Karamihan sa mga napalaya ay nakatapos na ng kanilang sentensiya habang ang iba naman ay nabigyan na ng parole ng pamahalaan.

About The Author