dzme1530.ph

165 Chinese nationals mula sa POGO hub sa Bamban, Tarlac, pina-deport na

165 mula sa 167 na Chinese nationals na nag-trabaho sa POGO hub sa Bamban, Tarlac ang dineport na sa Pudong District sa Shanghai, China.

Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Spokesman Winston Casio, dalawang workers mula sa Zun Yuan Technology Inc. ang naiwan sa bansa, dahil sa kinakaharap nilang mga kaso na trafficking in persons at serious illegal detention na non-bailable charges.

Inihayag ng PAOCC na sa pagdating ng POGO workers sa China ay makukulong pa sila ng apatnapu’t limang araw habang ipino-proseso ang kanilang mga kaso.

Ang mga deported Chinese nationals ay ilalagay din sa blacklist ng Bureau of Immigration.

About The Author