dzme1530.ph

160 KONGRESISTA, SUMUSUPORTA NA SA NATIONAL MINIMUM WAGE BILL

Loading

Kabilang ang House leaders sa sumusuporta sa panukala mula kay Speaker Faustino “Bojie” Dy III, Speaker Faustino “Bojie” Dy III, Jefferson Khonghun, at Raymond Democrito Mendoza.

 

Nagpapasalamat sina Cavite Cong. Ramon “Jolo” Revilla III at Rep. Elijah San Fernando dahil bago pa man ito talakayin sa plenary, nakuha na agad ang kailangang boto para ito ay pumasa.

 

Ang National Minimum Wage Bill ay naglalayong i-abolish ang decades-old regional wage structure, para palitan ng single national wage system.

 

Umaasa si San Fernando na bago ang May 1 Labor Day celebrations, pagtitibayin na ito sa 3rd and final reading.

 

Patuloy din ang apila ng mambabatas kay Majority Floor Leader Sandro Marcos para ikalendar na ang plenary deliberations ng NMW Bill.

About The Author