dzme1530.ph

16 pulis, sinibak sa puwesto matapos umanong mag-inuman habang naka-duty sa loob ng police station

Loading

Sinibak na sa puwesto ang labing-anim na tauhan ng Dolores Municipal Police Station sa Eastern Samar matapos umanong mag-inuman sa loob ng police station habang naka-duty.

Ayon kay Police Regional Office 8 spokesperson Lt. Col. Analiza Cataligo-Armeza, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon kasabay ng atas ni PRO-8 Regional Director BGen. Jason Capoy na ilagay sa restrictive custody ang mga pulis, kabilang ang chief of police ng Dolores MPS na kasama sa mga nag-inom.

Ayon sa opisyal, kumalat ang mga larawan ng mga pulis na nag-iinuman sa isang social media post noong Disyembre 15, 2025, dahilan upang agad na magsagawa ng imbestigasyon ang PRO-8 kaugnay ng insidente.

Batay sa patakaran ng Philippine National Police, mahigpit na ipinagbabawal ang pag-inom ng alak habang naka-duty at sa loob ng mga police premises alinsunod sa umiiral na mga patakaran at regulasyon ng organisasyon.

Sa ngayon, tinutukoy pa ang pananagutan ng mga sangkot na pulis, at kapag napatunayang totoo ang alegasyon, agad na ipapataw ang nararapat na administrative at disciplinary action alinsunod sa umiiral na batas at patakaran ng Pambansang Pulisya.

About The Author