Nadagdagan pa ng 16 na gamot ang listahan ng essential medicines na exempted mula sa Value Added Tax (VAT) alinsunod sa batas.
Batay sa advisory ng Food and Drug Administration (FDA), isinama ng ahensya sa listahan ang labing anim na gamot na hindi dapat patawan ng VAT, sa ilalim ng Republic Act 11534 o Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.
Layunin ng naturang hakbang na gawing abot-kaya ang presyo ng mga gamot sa publiko.
Kabilang sa mga nadagdag na VAT exempted ang apat na gamot para sa mga pasyenteng may cancer, siyam para sa mga mayroong diabetes, at tatlo para sa mga dumaranas ng mental illnesses. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera