dzme1530.ph

15th death anniversary ni Francis Magalona, ginunita ng kanyang mag-iina

Nagsama-sama ang mga mahal sa buhay ni Francis Magalona para gunitain ang 15th death anniversary ng Master Rapper.

Kabilang sa mga ito ang kanyang biyuda na si Pia Arroyo-Magalona at kanilang dalawang anak na babae na sina Maxene at Saab.

Sa kanyang Instagram stories, ipinasilip ni Maxene ang kanilang intimate gathering sa puntod ng kanyang ama sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Namatay si Francis noong March 6, 2009 sa edad na 44, makaraang igupo ng sakit na Leukemia.

Nakilala siya sa kanyang hit songs, gaya ng “Mga Kababayan”, at “Kaleidoscope World.”

About The Author