dzme1530.ph

15,000 reklamo laban sa online lending applications, inihain sa PAOCC

Loading

Umabot sa 15,000 reklamo ang inihain laban sa mapang-abusong online lending applications sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Karamihan sa mga biktima ay nakaranas umano ng matinding harassment at mental torture matapos mahirapang magbayad ng kanilang utang.

Tiniyak ni PAOCC Executive Director, Usec. Gilbert Cruz, na pinaigting ng pamahalaan ang mga hakbang laban sa online financial platforms na lumalabag sa data privacy at human dignity.

Sinabi ni Cruz na karamihan sa mga biktima ay low-income Filipinos na kumakapit sa online lending apps upang may maipambayad sa renta sa bahay, medical bills, o tuition.

Gayunman, sa halip na matulungan, marami sa kanila ang dumanas ng pananakot at pang-aabuso mula sa mga nangongolekta ng utang.

About The Author