![]()
Naresolba na ang humigit-kumulang 15 libong backlog na kaso na may kaugnayan sa mga reklamo laban sa mga pulis.
Ito ang inihayag ni Jonvic Remulla sa forum ng Kapihan sa Manila Bay.
Ayon sa kalihim, nang simulan niya ang pamumuno sa Department of the Interior and Local Government ay may naabutan siyang libu-libong kasong matagal nang hindi naaaksyunan.
Sa loob aniya ng mahigit isang taon ng reporma sa pamamahala at mas mahigpit na supervision, tuluyan nang na-clear ang nasabing backlog.
Dagdag pa ni Remulla, target na ngayon ng pamahalaan na maresolba sa loob ng 60 araw ang anumang reklamong isinasampa laban sa mga pulis upang mapabilis ang proseso at mapanatili ang pananagutan sa hanay ng kapulisan.
