dzme1530.ph

15 patay matapos makakain ng nakalalasong lugaw sa Namibia

Nasawi ang 15 katao matapos makakain ng nakalalasong lugaw sa Namibia.

Ayon sa Windhoek police, posibleng sinadya ng hindi pa nakikilalang suspek ang paglalagay ng lason sa pagkain ng mga biktima.

Bahagi ang mga biktima ng 21 katao na dumalo sa isang handaan sa Kavango East sa Namibia nang biglang makaramdam ng sintomas ng food poisoning.

Sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman na gawa ang naturang lugaw sa latak ng mga ginagawang alak.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad ang taong nasa likod ng insidente. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author