Pumalo na sa 15 ang bilang ng mga namatay at 50 ang sugatan sa naganap na pagsabog sa funeral service ni Afghan acting Provincial Governor Nisar Ahmad Ahmadi.
Nangyari ang bombing sa mosque ng Nabawi sa Faizabad habang nagtitipon tipon ang malaking bilang ng mga supporters ni Ahmadi para makiramay sa kanyang pagpanaw.
Matatandaang nasawi si Ahmadi dahil sa assassination ng isang suicide bomber na pinaghihinalang miyembro ng Islamic State group.
Dahil dito, binigyang diin ng Ministry of Interior of the IEA na mariin nilang kinukundena ang kalupitan na ito ng mga kaaway. —sa panulat ni Jam Tarrayo