dzme1530.ph

15% pagtaas ng bilang ng mga pasahero sa NAIA ngayong Semana Santa pinaghadaan ng MIAA

Todo paghahanda na ang ginagawa ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa inaasahang pagtaas ng 15% ng mga pasaherong dadagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Semana Santa.

Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines, aabot kasi sa mahigit isang milyong pasahero ang inaasahang gagamit ng paliparan ngayong Holy Week.

Ang bilang na ito ay mas mataas kumpara sa naitalang 926,755 na pasahero noong nakaraang taon sa parehong panahon.

Sa unang 14 araw lamang nitong Marso, ang bilang ng mga pasahero ay umabot na sa 1,853,132 at may average na bilang kada araw na 132,367.

Dagdag pa ni Ines, sasamantalahin na kasi ngayon ng mga biyahero ang pamamasyal sa mga local destination o di kaya’y sa labas ng bansa para makasama ang kanilang pamilya.

Kasunod nito, tiniyak naman ng pamunuan ng MIAA na nasa kondisyon ang mga airport personnel, sa pagtatrabaho para sa pagbabantay ng mga pasilidad, passenger needs at mga backup system.

Samantala, patuloy naman ang pakikipagtulungan ng MIAA sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Bureau of Immigration (BI) at Office for Transportation Security (OTS), upang bantayan ang mga kritikal choke point at tiyakin na ganap na may nakakalat na tauhan ang mga immigration counter at final security check points para sa mabilisang proseso sa mga pasahero.

About The Author