Kabuuang 146 learners mula sa National Language Skills Center (NLSC) ang nakakompleto ng English A2, Spanish, Japanese at Korean A1 Language Training Programs ng TESDA.
Ayon sa ahensya, ang mga pagsasanay ay nakahanay sa Common European Framework of Reference for Languages (CEFR), isang pamantayang kinikilala sa buong mundo.
Layunin ng mga programa na palakasin ang pandaigdigang kasanayan sa wika ng mga Pilipino, at bigyan sila ng mga abilidad na maihahambing at magagamit sa iba’t ibang bansa at educational systems.