dzme1530.ph

14 na bansa, magsisilbing observers sa 2024 Balikatan

Darating sa bansa ang mga kinatawan ng 14 na bansa na magsisilbing observers sa nalalapit na Balikatan exercises, na pinakamalaking multi-nation assembly sa ngayon.

Ito ay para saksihan ang annual joint drills na orihinal na ginagawa lamang ng mga tropa ng Pilipinas at Amerika.

Ayon sa mga organizer, ang 39th iteration ng Balikatan ngayong taon, na magsisimula sa April 22 hanggang May 10, ay magkakaroon ng oberservers mula sa Brunei, Canada, France, Germany, India, Indonesia, Japan, Malaysia, New Zealand, Singapore, South Korea, Thailand, United Kingdom, at Vietnam.

 

 

About The Author