Umakyat na sa isandaan at tatlumpu’t isa ang bilang ng mga lalawigan sa bansa na nagdeklara ng State of Calamity dahil sa epekto ng El Niño o matinding tagtuyot.
Ayon kay Task Force El Niño Spokesman at PCO Assistant Secretary Joey Villarama na batay sa pinaka-huling datos ng Office Of Civil Defense ay umakyat na sa 131 cities at municipalities ang nag-deklara ng State of Calamity.
Kabilang din dito ang 7 probinsya kabilang ang occidental
-Mindoro
-Antique
-Sultan Kudarat
-Basilan
-Maguindanao del Sur
-Maguindanao del Norte
-South Cotabato
Samantala, pumalo na rin sa 4.39 billion pesos ang tinatayang halaga ng pinsala dulot ng El Niño sa agrikultura na katumbas ng 77,731 na ektarya ng lupa.