Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang 13 Vietnamese mula sa apat na magkahiwalay na operasyon sa Makati, Parañaque, at Pasay.
Ang pag-aresto sa mga dayuhan matapos makatanggap ng impormasyon ang BI na iligal silang nagpapatakbo ng health spa at clinics sa Makati na walang permit.
Bigo din magpakita ng dokumento ang mga dayuhan sa panahon ng pag-aresto, kaya’t maituturing na sila ay mga undocumented alien.
Hinikayat ng Immigration ang mga local government units, barangays, at community members na i-report ang mga ilegal na dayuhan sa kanilang mga lugar para agad maaresto at mai-deport.
Ang 13 Vietnamese ay mananatili muna sa pasilidad ng BI sa Bicutan, Taguig habang hinihintay ang deportation papers laban sa kanila.