dzme1530.ph

13 Pinay na nagdadalang-tao, sinentensyahang makulong sa Cambodia

Sinentensyahan ng Korte sa Cambodia na makulong ng apat na taon ang 13 Pilipina na nagdadalang tao, dahil sa pagiging surrogate mothers

Sa statement mula sa Kandal Court, ang 13 Pinay ay kabilang sa 24 na kababaihan na ikinulong ng Cambodian Police noong Setyembre at kinasuhan ng attempted cross-border human trafficking.

Nakasaad din sa statement ng Cambodian Court na dalawang taon sa naturang sentensya ay sususpindihin.

Binigyang diin ng Korte na matibay ang ebidensya na may intensyon ang 13 Pinay na mabuntis at ibenta ang sanggol kapalit ng pera, na isang uri ng human trafficking.

Hindi naman binanggit sa pahayag ng Cambodian Court kung ano ang mangyayari sa mga sanggol kapag sila ay isinilang.  —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author