Pangakong napako para sa 13 biktima, ito ang naging dahilan ng pagsasampa ng kaso laban sa isang pribadong kumpanya na pagmamay-ari ni Ronald Rivera at ng asawa nito.
Dumulog sa tanggapan ng Department of Justice ngayong araw ang labing tatlong biktima ng Investment Scam sa tulong ng National Bureau of Investigation.
Ayon sa complainant na si JP Mantuano, sila nagsampa ng kasong syndicates estapa laban sa mag-asawang Rivera sa DOJ.
Tinatayang umabot sa P400 milyong halaga ng investment ang kanilang ipinasok sa RiverCom Construction Development Incorporated na nakabase sa Batangas.
Sila umano ay pinangakuan ng 50% na tubo mula sa kanilang puhunan sa loob ng tatlumpung araw ngunit hindi ito natupad. Dagdag pa dito ang mga tumalbog na bank check na inisyu sa mga biktima mula 2020 hanggang 2022
Kasalukuyan ng nagtatago ang mag-asawang Rivera at bini-block na ng mag-asawa ang mga biktima sa mga social media account nito.
Una nang dumulog sa tanggapan ng DOJ ang isang dating opisyal ng Lipa City para imbestigahan ang ang ginawang panloloko ng naturang kumpanya sa isandaang residente ng lungsod.-Ulat ni Felix Laban, DZME News