![]()
Umabot sa 128 media workers ang pinatay sa buong mundo noong nakaraang taon batay sa pinakahuling ulat ng International Federation of Journalists (IFJ).
Pinakamataas ang naitalang kaso sa middle east at arab world region na may 74 journalist deaths.
Kabilang sa mga nasawi ang limampu’t anim na mamamahayag na napatay habang naguulat sa digmaan sa gaza, na itinuturing ng ifj bilang pinakamapanganib na lugar para sa media sa kasalukuyan.
Ayon kay IFJ General Secretary Anthony Bellanger, ipinapakita ng mga datos ang patuloy na pagtarget sa mga mamamahayag at muling nanawagan ang organisasyon sa mga pamahalaan na panagutin ang mga salarin at palakasin ang proteksyon sa press freedom.
