Pasado na sa Camara de Representantes ang House Bill No. 9349 o ang Absolute Divorce Bill sa botong 126-YES, 109-NO, at 20-ABSTAIN.
Naging masalimuot at hindi madali ang pagbalangkas sa nasabing panukala na dumaan sa mahaba at mainitang debate bago tuluyang aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara.
Bago pa man magsimula ang sesyon, nagdatingan na ang iba’t ibang grupo na kontra sa Divorce Bill kabilang ang ilang kinatawan mula sa Simbahang Katolika sa pangunguna ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias at mga kaparian na nagmasid sa gallery section ng plenaryo habang sinasaksihan ang botohan.
Sinikap pa ni Manila 6th District Representative Bienvenido Abante, Jr. na pigilan ang botohan ngunit nabigo ito.
Unang bomoto si Pampanga Representative at former President Gloria Macapagal-Arroyo na “BIG NO” ang boto.