dzme1530.ph

12 pribadong paaralan, iniimbestigahan ng DepEd bunsod ng umano’y pandaraya sa voucher program

Loading

Iniimbestigahan ng Department of Education (DepEd) ang 12 private schools mula sa siyam na divisions.

Bunsod ito ng pagkakaroon umano ng “ghost students” upang iligal na ma-avail ang Senior High School (SHS) Voucher Program.

Tiniyak naman ni Education Sec.Sonny Angara na hindi nila kukunsintihin ang anumang uri ng maling paggamit sa pondo ng publiko na inilaan sa mahahalagang programa sa edukasyon.

Idinagdag ni Angara na kailangang imbestigahan ang alegasyon upang lumabas ang katotohanan at mapanagot ang mga responsable sa maling gawain.

Ayon sa DepEd, ang mga eskwelahan na mapatutunayang sangkot sa “fraudulent activity” ay maaaring magresulta sa termination sa SHS Voucher Program.

About The Author