dzme1530.ph

12 patay sa pagsabog sa bodega ng paputok sa Thailand

Patay ang 12 katao matapos ang naganap na pagsabog sa bodega ng paputok sa Southern Thailand.

Kabilang sa nasawi ang dalawang bata na edad apat at isang walong buwan na babaeng sanggol.

Marami ring bahay ang nasira dahil sa lakas ng pagsabog.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa dahilan ng naturang insidente. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author