Patay ang labing-dalawang katao matapos uminom ng ipinagbabawal na Bootleg Alcohol. Ayon kay Wawan Gunawan, tagapagsalita ng Subang District General Hospital, 28 ang kabuuang bilang ng mga biktima na isinugod sa ospital dahil sa alcohol intoxication.
Apat sa mga ito ay nasa kritikal na kondisyon habang ang isa pa ay patuloy na nagpapalakas.
Sinabi naman ni Subang Police Chief Ariek Indra Sentanu na naaresto na ng kanilang mga tauhan ang umano’y suspek sa pagbebenta ng Bootleg Alcohol sa mga biktima.
Noong 2018, matatandaan na mahigit 50 Indonesians ang nasawi dahil sa pagkonsumo ng illegal homemade-alcohol sa naturang lugar.
—Ulat ni Airiam Sancho