dzme1530.ph

12-M tourist arrivals kada taon, target ng DOT

Target ng Department of Tourism (DOT) na maabot ang 12-M tourist arrivals kada taon sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay DOT Sec. Christina Frasco, maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga inisyatiba, tulad ng pagpapalit ng tagline ng ahensya na “Love the Philippines” mula sa “It’s More Fun in the Philippines” na isang hakbang patungo sa pagbabago ng turismo ng bansa ngayong new normal.

Binigyang-diin ng kalihim na paghuhusayin ng kagawaran ang trabaho nito upang maabot ang mga plano at makabuo ng tourism portfolio hindi lamang sa international arrivals kundi upang patuloy na suportahan ang domestic tourism. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author