dzme1530.ph

11,000 NA PULIS, IDE-DEPLOY SA TRILLION PESO MARCH

Loading

Mahigit 11,000 na pulis ang ipakakalat para magbigay ng seguridad para sa nalalapit na Trillion Peso March at mga kaugnay na aktibida, ayon sa PNP.

 

Binigyang diin ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang kahalagahan ng koordinasyon at preparasyon.

 

Kasabay nito ay ang pagpapaigting ng PNP sa kanilang kahandaan para sa malawakang pagtitipon.

 

Nakatakdang magkaroon ng prayer and indignation rally sa Feb. 22 at 25, na inaasahang dadaluhan ng 50,000 katao. 

 

Ngayong linggo ay magkakaroon ang PNP ng Coordination Conference, para sa pagpo-proseso ng permits at pagsasapinal ng operational plans kasama ang event organizers.

About The Author