dzme1530.ph

11 Filipino crew members ng barkong inatake ng Houthi rebels, balik bansa na

Nakauwi na sa bansa ang 11 Filipino crew members ng cargo ship na MV True Confidence na inatake ng Houthi rebels ng Yemen noong nakaraang Miyerkules, March 6.

Pasado ala-5 ng hapon, kahapon nang dumating sa NAIA Terminal 3 ang grupo ng seafarers, kabilang ang isang nagtamo ng minor injuries.

Bukod sa medical at physical check-ups mula sa Department of Health, makatatanggap ang mga tripulanteng Pinoy ng financial support na nagkakahalaga ng P50,000 bawat isa mula sa Department of Migrant Workers.

Mayroon din silang matatanggap na P20,000 na ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development, pati na scholarship at training vouchers mula sa TESDA.

About The Author