dzme1530.ph

11 driver sa NAIA, sinuspinde ng LTO dahil sa sobrang paniningil ng pamasahe

Loading

Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng labing-isang taxi at Transport Network Vehicle (TNVS) drivers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), makaraang ireklamo ng mga pasahero ang umano’y sobrang paniningil ng pamasahe.

Sa inisyal na imbestigasyon ng LTO-Intelligence and Investigation Division, umaabot sa 700 pesos ang sinisingil ng mga driver kahit sa maikling biyahe mula Terminal 1 patungong Terminal 3.

Nagbabala rin si LTO chief, Atty. Vigor Mendoza II, na hindi “ningas cogon” o hanggang sa simula lang ang kanilang hakbang, dahil patunay ang labing-isang drivers na tuloy-tuloy ang kanilang kampanya.

Ayon sa ahensya, tatagal ng siyamnapung araw ang suspensyon sa lisensya ng mga nahuling driver.

About The Author