dzme1530.ph

11 Chinese workers, timbog sa iligal na minahan sa Paracale, Camarines Norte

Labing isang Chinese nationals ang arestado makaraang madiskubre na nagta-trabaho sa isang iligal na minahan sa Barangay Tugos sa Bayan ng Paracale sa Camarines Norte, sa kabila ng tourist visa lamang ang kanilang hawak na dokumento.

Dinakip ng mga opisyal ng Bureau of Immigration, Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), AFP, at PNP, ang Chinese workers makaraang alertuhin sila ng gobernador ng lalawigan.

Ayon sa PAOCC, mayroon namang Environmental Compliance Certificate (ECC) ang kumpanya para makapag-operate, subalit lumagpas ito sa saklaw ng ipinagkaloob na lisensya.

Sinabi ni PAOCC Spokesperson Winston Casio, na bagaman parang backyard lang ay malaki ang ginagamit na equipment, kaya hindi ito maituturing na small scale, kundi open pit large-scale mining talaga.

Sa pag-iinspeksyon ng mga awtoridad, nadiskubre rin na ilan sa mga trabahador sa lugar ay walang suot na protective gear habang isa ay tila kagigising lang at nakapantulog pa. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author