dzme1530.ph

11 bagyo, inaasahang papasok sa PAR ngayong taon

Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ang walo hanggang labing-isang bagyo ngayong taon.

Ayon sa PAGASA, isang bagyo ang inaasahan sa Abril, isa hanggang dalawa sa Mayo at Hunyo, at dalawa hanggang tatlo sa Hulyo hanggang Setyembre.

Nilinaw din ng pagasa na maaaring ma-delay ang tag-ulan dahil sa pagdevelop ng La Niña.

Sa ngayon, 30 sa 67 na probinsiya ang nakararanas ng El Niño phenomenon, anim dito ang nagdeklara ng state of calamity at umabot na sa ₱1.75-B ang kabuuang halaga ng pinsala ng tagtuyot sa agrikultura.

About The Author