“Ang paglilingkod sa tao ay paglilingkod sa Panginoon”.
Ito ang iniwang mensahe ng Team Lani Cayetano sa kanilang isinagawang proclamation rally sa Taguig.
Muling ipinanata ng TLC ang kanilang hangaring ipagpatuloy ang transformative, lively at caring service para sa Taguigeño.
Ang proclamation rally ay nilahukan nina Mayor Lani Cayetano, Taguig-Pateros District 1 Rep. Ading Cruz, Jr. at ang tumatakbong District 2 Rep. na si Jorge Bacobo.
Present rin sa nasabing rally ang magkapatid na Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Pia Cayetano na nagbigay ng mensahe ukol sa tamang pagpili ng lider at mga plataporma nito sa lungsod.
Sa datos, umabot sa halos 10,000 Taguigeños ang lumahok sa proclamation rally ng Team TLC upang magbigay ng suporta.