Nasa 108 na mga lugar sa anim na rehiyon sa Luzon ang nasa ilalim ng ang state of calamity matapos ang epekto ng Bagyong Egay at ang habagat ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa situational report ng NDDRRMC, kabilang dito ang mga bayan at lungsod sa mga lalawigan ng: Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Bagamat nakaalis na ang Bagyong Egay sa Philippine Area of Responsibility, nakaaapekto ang hinihigop nitong habagat kung saan apektado ang halos 2-M indibidwal at 668,974 na pamilya sa 4,164 na barangay sa buong bansa.
Nananatili naman sa mga evacuation center ang mga nasa 13,718 na pamilya habang mahigit 200,000 katao o 63,086 na pamilya ang nasa lugar na labas sa mga evacuation centers.
Samantala, 20 indibidwal ang nai-report na nawawala at 7 dito ay natagpuan na ng NDRRMC.