dzme1530.ph

100-M coconut farm ni PBBM, tinawag na ambitious but doable ng isang kongresista

Loading

Tinawag na “ambitious but doable” ni Albay 3rd Dist. Rep. Raymond Adrian Salceda ang target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makapagtanim ng 100-M punong niyog bago matapos ang kanyang termino sa 2028.

Ayon kay Salceda, malaking pondo ang kailangan para maisakatuparan ito.

Isa sa mga mungkahi ng kongresista ay amyendahan ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act, o mas kilala bilang Coco Levy Fund Law, upang mapabilis ang paggamit ng pondo. Aniya, tama ang obserbasyon ng Pangulo na may problema sa kasalukuyang sistema dahil sa sobrang haba ng proseso.

Sa ilalim ng isinusulong nitong House Bill No. 2336, bibigyan ng kapangyarihan ang Trust Fund Management Committee na mag-reallocate ng unspent shares mula sa mga ahensyang bigong magsumite ng programa.

Nakasaad din sa panukala na gamitin ang pondo para sa coconut planting, seedling propagation, nursery development, at export-oriented coconut enterprises.

Bilang suporta sa Pangulo, hinimok ni Salceda ang agarang pag-apruba ng panukala. Aniya, handa na ang executive branch, at matagal nang naghihintay ang mga magsasaka, kaya panahon na para kumilos ang Kongreso.

About The Author