dzme1530.ph

100 illegal POGO facilities, nag-o-operate pa rin sa bansa, batay sa pagtaya ng PAOCC

Binigyang diin ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na kailangan ng mas matapang na mga polisiya laban sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Ginawa ni PAOCC Spokesperson, Dr. Winston John Casio ang pahayag makaraang salakayin nila ang malaking illegal POGO hub na nag-o-operate sa Porac, Pampanga dahil sa umano’y sexual and labor trafficking.

Inamin ni Casio na hindi nila alam kung mapaninindigan nila ang mga pagsalakay nang sila lamang sa PAOCC at walang tulong ng ibang ahensya.

Aniya, batay sa listahang ibinigay sa kanila ng PAGCOR noong nakaraang taon ay 402 ang kanseladong POGOs, at hanggang ngayon ay halos 100 pa rin ang operational.

Idinagdag ni Casio na apat pa lang sa illegal POGO hubs ang kanilang ni-raid, na may mabusisi at nakapapagod na proseso ng case buildup para makapagsagawa ng operasyon na tumatagal ng dalawang buwan.

About The Author