dzme1530.ph

$100-B investments, target malikom sa trilateral meeting sa America at Japan

Target ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makalikom ng $100-B na halaga ng investment deals sa nakatakdang pagsabak sa trilateral summit kasama ang America at Japan.

Ayon kay Philippine Ambassador to USA Jose Manual Romualdez, inaasahan ang multi-billion dollar investments sa susunod na 5 hanggang 10 taon.

Kaugnay dito, mayroon na umanong isang energy company ang nagpa-plano nang mag-suplay ng small nuclear power plants sa bansa.

Pinuri naman ni Romualdez ang pagdodoble-kayod ng economic managers upang buksan ang ekonomiya ng Pilipinas para sa investors, partikular sa mga larangan ng enerhiya at digital infrastructure.

Bukod sa trilateral meeting ay makikipagpulong din si Marcos sa mga negosyante sa America, habang idaraos din ang PH-US-Japan trilateral economic ministers meeting na lalahukan ng Dep’t of Trade and Industry.

About The Author