dzme1530.ph

10-year MIDP 2028 ng MARINA, isinagawa kahapon

Idinaos ng Maritime Industry Authority Planning and Policy Service Unit (MARINA-PPS) ang Regional MIDP 2028-PGS-SPMS Cascading Orientation sa MARINA Regional Office 1&2 – La Union Province, kahapon.

Tinalakay ng ahensiya ang cascading orientation at overview ng kanilang 10-year Maritime Industry Development Plan 2028 (MIDP 2028), ang Performance Governance System (PGS), Strategy Map at ang Strategic Performance Management System (SPMS).

Layunin ng aktibidad na pagtibayin ang pangako ng MARINA na tiyakin ang epektibong pagpapatupad ng mga programa sa industriya at estratehikong direksyon upang mapabuti ang maritime industry sa mga karagatang sakop ng Pilipinas. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author