Isang 10-taong gulang na lalaki ang nasawi, isang buwan matapos itong makalmot ng aso sa paa, sa Tagum City, Davao Del Norte.
Ayon kay Tagum City Health Office Head, Dr. Arnel Florendo, namatay ang bata noong Linggo, isang buwan makalipas ang insidente.
Sinabi ni Florendo na inamin lamang ng bata ang nangyari noong nasa ospital na sila.
Inihayag ng CHO head na posibleng nasawi ang biktima sa rabies dahil sa ilang sintomas na naobserbahan, gaya ng pagsusuka, hirap sa paghinga, takot sa tubig at hangin, at pagiging iritable.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa tukoy kung sino ang may-ari ng aso. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera