Nauwi sa karahasan ang pagdiriwang kasunod ng pagkapanalo ng Denver Nuggets sa NBA Finals sa kauna-unahang pagkakataon.
Hindi bababa sa 10 ang naitalang nasugatan sa pamamaril, sa Denver, kabilang ang tatlo na nasa kritikal na kalagayan.
Kabilang sa mga nasugatan ang hininihalang gunman na nasa kustodiya na ng mga otoridad at hindi naman umano pumalag nang arestuhin.
Matapos magwagi ang Nuggets sa score na 94-89 at masungkit ang kampeonato laban sa Miami Heat sa Game 5 ng NBA Finals ay nagtipon-tipon ang mga tao para sa isang street celebration.
Nangyari ang pamamaril malapit sa intersection ng market at 20th Street kasunod ng alitan sa pagitan ng dalawang grupo na dumalo sa street party. —sa panulat ni Lea Soriano