dzme1530.ph

10 fratmen, guilty sa pagpaslang sa pamamagitan ng hazing sa UST law student na si Atio Castillo

Guilty ang hatol ng Korte sa Maynila sa 10 miyembro ng Aegis Juris Fraternity sa kaso ng pagpaslang sa University of Santo Tomas (UST) law freshman na si Horacio “Atio” Castillo III, pitong taon matapos ang krimen noong 2017.

Pinatawan ng Manila Regional Trial Court Branch 11 ng Reclusion Perpetua o hanggang 40-taong pagkabilanggo ang 10 fratmen bunsod ng paglabag sa Anti-Hazing Law of 1995.

Inatasan din ng Korte ang mga hinatulan na bayaran ang mga inulila ni Castillo ng mahigit ₱400,000 actual expenses, tig- ₱75,000 na civil indemnity, tig- ₱75,000 na moral damages, at tig- ₱75,000 na exemplary damages, bukod pa sa interest.

Nanawagan naman ang Ina ni Castillo sa UST na suriin ang kanilang mga polisiya. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

 

 

About The Author