dzme1530.ph

10 domestic flight ng Cebu Pacific, apektado ng bomb joke sa Bicol international Airport

Nasa 10 domestic flight ng Cebu Pacific ang naapektuhan sa nangyaring bomb joke sa isang eroplano ng Cebu Pacific flight 5J 326, na nakatakdang umalis ng 10:45 AM mula Bicol International Airport (BIA) patungong Manila.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), bilang precautionary measure, pansamantalang isinara ang runway sa BIA.

Ang mga pasahero ay ligtas na naibaba sa eroplano at tumuloy sa arrival area para isailalim sa inspeksyon gayundin para sa kanilang seguridad.

Ang mga tauhan ng CAAP Security and Intelligence Service (CSIS), kasama ang Aviation Security (K-9) Bomb Disposal units at mga tauhan ng PNP-AVSEU, ay nagsagawa ng screening sa mga bagahe ng mga pasahero at hand carry items para sa paneling.

Apektado din ang isang flight ng Philippine Airlines na patungong Bicol mula Manila at bumalik ito sa NAIA.

Wala pang ibinigay na update ang CAAP kaugnay ng sitwasyon sa Bicol international Airport. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author