Walang dapat ikabahala sa kalagayan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla.
Ito ang binigyang diin ni Justice Undersecretary Hermogenes Andres kasunod ng anunsyo ng DOJ na sasailalim sa 10-day wellness leave ang kalihim.
Ayon kay Hermogenes, nagkausap sila ni Remulla hinggil dito at posible pa aniyang paikliin ang kanyang leave dahil sa nakatakdang conference.
Tiniyak ng DOJ Usec. na magpapatuloy ang mga opisyal at empleyado ng kagawaran sa kanilang trabaho sa ilalim ng pansamantalang pamamahala ni Officer in Charge Justice Secretary Raul Vasquez. —sa panulat ni Jam Tarrayo