dzme1530.ph

10 BILYONG PISONG PANG AYUDA SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA, MAIPALALABAS SA SUSUNOD NA LINGGO, AYON SA D-A

Loading

Kinumpirma ng Department of Agriculture na sisimulan na sa April 6 ang pamamahagi ng ayuda sa mga magsasaka at mangingisda.

 

Sa pagdinig ng PROTECT committee ng Senado, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na maipalalabas ang 10 bilyong pisong pang ayuda sa susunod na linggo, batay sa pangako ng Department of Budget and Management na maire-release ang pondo sa April 2.

 

Mula rito, bibigyan ng 2,325 pesos na fuel subsidy ang 4.175 million na magsasaka at mangingisda na nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA.

 

Sa bilang na ito, 2.197 million ang rice farmers na mas mababa sa dalawang ektarya ang sinasaka; 1.475 million na corn farmers; 102 thousand na magsasaka sa sugar industry at 399 thousand na mga mangingisda na may motorized banca.

 

Ayon kay Tiu-Laurel, may natitira pa silang pondo para sa fuel subsidy na buhat sa mga nagdaang taon pero nasa 40 thousand lang ang mabibigyan.

About The Author