dzme1530.ph

1 patay matapos mahulog sa bangin ang truck ng Comelec service provider sa Cagayan de Oro

Loading

Kinumpirma ng Comelec na isang truck ng F2 Logistics Philippines, Inc. na kanilang service provider para sa May 12 elections ang nahulog sa bangin sa Cagayan De Oro, na ikinasawi ng isang indibidwal.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na pabalik ng Cagayan De Oro galing Bukidnon ang truck na nag-deliver ng election paraphernalia nang mangyari ang aksidente sa Barangay Upper Puerto.

Nakuha ng F2 Logistics Philippine ang multi-million contract para sa deployment ng equipment, peripherals, forms, supplies, at paraphernalia sa 2025 Midterm Elections.

About The Author