dzme1530.ph

1 pang Pinoy sa Israel, pinangangambahan ding nasawi

Kinukumpirma pa ng Embahada ng Pilipinas sa Israel ang pagkamatay ng isa pang Pilipino sa gitna ng digmaan ng Israeli forces at Palestinian terrorist group na Hamas.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Philippine Embassy Vice Consul Patricia Narajos na bine-beripika pa kung Pinoy ang nasawi sa pamamagitan ng DNA testing.

Ito ay bukod pa sa dalawang Pinoy na kumpirmado nang namatay.

Samantala, iniulat din ni Narajos na sa ngayon ay tatlong Pilipino na lamang ang “unaccounted for” o hindi pa nahahanap, habang kabuuang 26 na ang na-rescue.

Patuloy ding nagpapagaling sa ospital ang Pinoy na tinamaan ng bala, at sumailalim na ito sa operasyon. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author