Inaprubahan ng Asian Development Bank (ADB) ang loan na hanggang $1.7 billion para sa Laguna Lakeshore Road Network (LLRN) project.
Layunin ng proyekto na paiksiin ang travel time sa pagitan ng Taguig City at Calamba, Laguna ng 25%.
Inihayag ng multilateral lender na inaprubahan nila ang loan para suportahan ang konstruksyon ng “climate-resilient” na 3.75-kilometer expressway sa kahabaan ng pinakamalaking lawa sa Pilipinas.
Sinabi ni ADB Country Director for the Philippines Pavit Ramachandran, na ang naturang investment ay patunay ng kanilang katapatan sa pagtulong sa pag-transform ng transport infrastructure ng bansa, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng climate- and disaster-resilient and sustainable development. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera