dzme1530.ph

1.6-M na PUV at tricycle drivers, makatatanggap ng one-time fuel assistance

Mahigit 1.6-M public utility vehicle (PUV) at tricycle drivers ang makatatanggap ng one-time cash assistance mula sa pamahalaan sa gitna ng tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na nakatakda itong mamahagi ng ayuda sa mga tsuper, na nagkakahalaga ng P2.95-B, sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon sa DOTr, ang mga driver ng jeep at modern UV express ay makatatanggap ng P10,000 habang ang mga tsuper ng iba pang mode ng transportation ay pagkakalooban ng P6,500.

Samantala, ang mga tricycle driver ay makatatanggap ng P1,000 at ang delivery riders ay P1,200.

Tiniyak ni Transportation Secretary Jaime Bautista na agad maipamamahagi ang ayuda sa mga tsuper upang makatulong, lalo na’t tumaas na naman ang presyo ng oil products. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author