dzme1530.ph

1.3 million voters, sumobra ng ibinoto sa Halalan 2025, ayon sa Comelec

Loading

Mahigit isang milyon mula sa limampu’t pitong milyong botante ang sumobra ng ibinoto sa katatapos lamang na May 12 elections.

Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, 1.3 million voters ang hindi bumoto ng maayos dahil labintatlo o higit pang senador ang shinade-an nila sa balota.

Ginawa ni Garcia ang pahayag matapos kwestyunin ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang over-votes kamakailan.

Tinukoy ni Guanzon ang datos mula sa poll watchdog na National Citizens’ Movement for Free Elections, kung saan umabot sa 17,028,780 ang over-votes para sa mga senador.

Gayunman, ipinaliwanag ni Garcia na ang 17 million over-votes ay tumutukoy sa mga botong hindi ibinigay sa labindalawang senador, sinuman ang mga ito.

Binigyang diin din ng poll chief na noong 2022 elections ay halos 900,000 na mga botante ang nag over-vote.

About The Author