dzme1530.ph

0.9% inflation rate sa Hulyo, ikinatuwa ni Speaker Romualdez

Loading

Ikinatuwa ni House Speaker Martin Romualdez ang naitalang 0.9% inflation rate sa bansa para sa buwan ng Hulyo, ang pinakamababa sa nakalipas na anim na taon.

Ayon sa House leader, hindi lamang ito basta numero kundi indikasyon na mas maraming Pilipino na ang kayang bumili ng pangangailangan, partikular na ang bigas, at nakakakain na ng sapat.

Aniya, patunay ito na tama ang mga hakbang ng administrasyon na sinuportahan ng Kongreso, kabilang na ang pagbaba ng taripa sa imported rice.

Binigyang-diin din ni Romualdez ang papel ng Kamara sa pagsalakay sa mga bodega na sangkot sa hoarding, profiteering, at price manipulation.

Umaasa ang Speaker na magpapatuloy ang ganitong trend o mapananatili  ang inflation sa kasalukuyang lebel.

About The Author