dzme1530.ph

Pagpapataas ng reimbursements ng PhilHealth sa mga ospital, inirekomenda sa Pangulo

Inirekomenda ng Private Sector Advisory Council-Healthcare Sector Group kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na taasan ang reimbursements ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga ospital.

Sa pulong sa malakanyang, inilatag ng PSAC-Healthcare Sector Group ang tatlong rekomendasyon para sa Philhealth kabilang ang pagtataas ng reimbursement rates at repayment ng payables sa mga pagamutan.

Bukod dito, iminungkahi rin ang reorganization kung saan dadagdagan ang manpower ng State Health Insurer.

Isinulong din ang pagbuo ng Joint Taskforce sa pagitan ng PhilHealth at Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa digitalization ng mga serbisyo.

Matatandaang pinag-aaralan ng Pangulo ang apila ng Department of Health (DOH) na suspendihin ang 5% na taas sa kontribusyon sa PhilHealth ngayong taon.

About The Author